Totoy basag ang bungo sa trailer truck

MANILA, Philippines - Namatay noon din ang isang 14-anyos na bina­tilyo nang mahagip at masagasaan ng isang trailer truck sa Tondo, Maynila, kahapon ng hapon.

Kinilala ang biktimang si Noel Sanchez, ng Tondo, Maynila habang sumuko naman ang suspect na driver­ ng trailer truck (UKZ-157) na si Benjamin Garcia, 30, ng Hernandez St., Barrio Magsaysay,Tondo.

Sa ulat ni SPO4 Mario Jorge, ng Manila Traffic Bureau, dakong alas-3:30 ng hapon ng maganap ang insidente sa loob mismo ng Manila International Container(MICT) sa Pier 2, North Harbor, Tondo.

Depensa ng suspect, hindi niya napansin ang papatawid na biktima habang minamaneho ang truck patungong northbound at nakita na lamang na may nasapul na tumatawid.

Nabasag ang bungo ng biktima na kagyat nitong ikinasawi.

Nakapiit sa MPD Traffic Bureau ang driver habang inihahanda ang isasampang reckless imprudence re­sulting in homicide.

Show comments