MANILA, Philippines - Nasa kamay na ng MPD ang mga larawan ng dalawang ‘gwapings’ na suspects na sinasabing may kinalaman sa pagpaslang sa isang 31-anyos na bading noong Enero 30, nang aksidenteng marekober ng ama ng biktima ang isang digital camera na hinihinalang tinakpan ng plato ng anak, habang sila ay nagkakainitan ng mga suspect, sa Unit nito sa San Andres, Bukid, noong Linggo ng madaling-araw. Ayon kay MPD-Homicide Section chief, P/Insp. Armand Macaraeg, nakakalat na ang kaniyang mga tauhan sa sinasabing pinagtatambayan ng mga suspect, na base sa larawan ay mga mestisuhin at kapwa nasa 18 hanggang 20 lamang ang edad. Sila ang itinuturong kasama ng biktimang si Albert Clarence Bondoc, 31, supervisor ng Smart credit and credit collection department, tubong Pampanga at residente ng no. 1-8 2372 Nickel st.San Andres Bukid, bago ito matagpuang patay sanhi ng pitong saksak sa loob ng kaniyang silid. Dahil sa umaagos na tubig mula sa gripong napabayaang nakabukas kaya nadiskubre ng mga kapitkuwarto na patay ang biktima. Ang dalawa ang sinasabing huling nakitang kasama ng biktima. Nabatid na noong araw na iyon ay may malaking perang natanggap umano ang biktima mula sa kapatid nito sa bansang Ireland na nawala kasama pa ang ilang mahahalagang kagamitan tulad ng Apple Ipad, lap top.