^

Metro

Parak nag-suicide sa harap ng gf

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Isang tama ng bala sa ulo ang tumapos sa buhay ng isang bagitong pulis matapos na umano’y magpakamatay   sa harap mismo ng kanyang girlfriend habang sila’y nagtatalo sa lungsod Quezon kahapon.

Dead-on-the-spot sa lugar ang biktimang si PO1 Nazareth Tadeo na naka-uniporme pa ng PNP nang gawin ang pagbaril sa sarili.

Sa inisyal na ulat, nangyari ang insidente sa may Central Avenue sa Brgy. Culiat sa lungsod pasado alas-12 ng tanghali.

Ayon sa ilang saksi, kasama umano ni Tadeo ang kanyang girlfriend sa lugar kung saan nakitang nagtatalo ang dalawa.

Sinasabing pinipi­lit ni Tadeo na isama umano ang girlfriend pero tumang­gi ito dahilan para sila magtalo. Dagdag pa ng mga saksi, pamilyar na umano sa kanila ang pulis dahil madalas nilang nakikita itong sinusundo ang kanyang girlfriend.

Kaya naman, habang nagtatalo umano ay biglang nagbunot ng baril ang pulis saka itinutok sa kanyang ulo at pinaputok dahilan ng kanyang aga­rang kamatayan.

Sa kasalukuyan, nagsa­sagawa pa rin ng pagsisiyasat ang pulisya sa nasabing insidente.

AYON

BRGY

CENTRAL AVENUE

CULIAT

DAGDAG

ISANG

KAYA

NAZARETH TADEO

QUEZON

TADEO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with