80-anyos lasog sa truck

MANILA, Philippines - Nagkalasug-lasog ang katawan ng isang 80-anyos na lolo makaraang mabundol   ng isang truck habang siya ay papatawid sa isang U-turn slot sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Sa ulat ng Traffic Sector 1 ng Quezon City Police District, nakilala ang biktima na si Teresito Valdez, ng   G. Marvex Drive, Brgy. Bali­ngasa sa lungsod.

Hawak ng pulisya ang driver ng truck na nakilalang si Edgar Bulay, 41, ng C-F Natividad St., Mapulang Lupa, Valenzuela City na naka­takdang sampahan ng kasong reckless imprudence resulting in homicide.

Sa pagsisiyasat, nangyari ang insidente sa may A. Bonifacio Drive corner Marvex drive U-turn slot, Brgy. Bali­ngasa ganap na alas-11 ng umaga. Tumatawid umano ang biktima sa naturang lugar nang biglang bundulin ng rumaragasang truck na minamaneho ni Bulay.

Matapos mabundol, nasagasaan pa umano ng truck ang biktima sanhi upang ma­tinding pinsala ang tamuin nito na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Show comments