Lola patay sa motor

MANILA, Philippines - Isang 59-anyos na lola ang nasawi makaraang ma­bundol ng isang ruma­ragasang motorsiklo habang tumatawid ito sa kalsada, kamakalawa ng umaga sa Muntinlupa City.

Pinsala sa ulo at ka­ta­wan ang tinamo ng bik­timang si Rebecca Bolfango, ng Bl 1 L5 Camella Drive, Camella Homes 1, Bgy. Putatan, ng naturang lungsod.

Sugatan rin ang driver ng motorsiklo na si Angelo Tarrobago, 23, ng Patdu Compound, Sun Flower St., South Green Heights, Putatan, ng na­turang lungsod. Nagtamo ito ng sugat at pilay.

Sa ulat ng Muntinlupa Police-Traffic Enforcement Unit, naganap ang insidente dakong alas-10 ng umaga sa may Estanislao St. sa harapan ng Camella Homes 1. 

Pauwi na ang biktima at tumatawid sa naturang kalsada nang mabangga ng humaharurot na motorsiklo (TR-4745) na minamaneho ni Tarrobago.

Sa lakas ng pagka­ka­bangga, tumilapon ang biktima at naumpog ang ulo nito sa sementadong kalsada na sanhi ng ka­matayan nito.  

Nakatakdang sampahan ngayon si Tarrobago ng kasong reckless imprudence resulting to ho­mi­cide.

Show comments