^

Metro

4 pahinante arestado sa pagnanakaw

- Danilo Garcia -

MANILA, Philippines - Rehas na bakal ang binagsakan ng apat na kalalakihan makaraang maaktuhang nagnanakaw ng tone-toneladang kamatis mula sa delivery truck na dadalhin sana sa shopping mart sa Parañaque City kamakalawa ng gabi.

Pormal na kakasuhan habang nakakulong ang mga suspek na sina Ariel Vidal, Gilbert Morales, Junjun Barros at si Jaderick Lonozo na pawang mga contract worker ng Adzia Logistics Incorporated. 

Tugis naman ng pulisya ang driver ng delivery truck na si Michael Mamangon at ang mastermind ng grupo na si Froilan Elopre.

Base sa police report, dakong alas-6 ng gabi nang mamataan ng mga tauhan ng Anti-Carnapping Unit ang mga suspek habang ini­lilipat ang kahung-kahong kamatis mula sa10-wheeler truck (RGS-292) patungong closed-van na nakaparada sa bahagi ng Ilog Patanyag sa Dr. Santos Avenue sa Brgy. San Dionisio.

Napag-alamang dadalhin sana ang mga produkto sa supermarket sa Muntinlupa City subalit hindi ma­kapagpakita ng papeles ang mga suspek kaugnay sa paglilipat ng mga ka­matis sa van.

Pinaniniwalaang may kasabwat ang mga suspek sa supermarket dahil sa nakakapagprisinta ang drayber na si Mamangon ng resibo ng delivery sa kanilang kumpanya kahit kulang-kulang ang aktuwal na dinalang produkto.

May teorya ang pulisya na kasabwat na nagbebenta ng mga produkto ang mga suspek kung saan pinaghahati-hatian ang kinikita. 

vuukle comment

ADZIA LOGISTICS INCORPORATED

ANTI-CARNAPPING UNIT

ARIEL VIDAL

DR. SANTOS AVENUE

FROILAN ELOPRE

GILBERT MORALES

ILOG PATANYAG

JADERICK LONOZO

JUNJUN BARROS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with