Mga dayuhan sa bansa binalaan ng BI
MANILA, Philippines - Binalaan ng Bureau of Immigration ang mga dayuhang naninirahan sa bansa na kailangan nilang personal na magtungo sa kagawaran para sa kanilang annual report simula sa Lunes (Enero 3) upang maiwasan ang posibleng pagmumulta dahil sa pagiging undocumented aliens.
Nilinaw ni Immigration officer-in-charge Ronaldo Ledesma na ang annual reporting ay nakasaad sa ilalim ng Alien Registration Act of 1950 kung saan nakasaad na kinakailangang ang lahat ng dayuhan ay mag-report sa BI sa loob ng 60-araw.
Sinumang hindi mapag-report ay maaaring magmulta o kaya’y maipa-deport base na rin sa discretion ng BI commissioner.
Sa pahayag naman ni Danilo Almeda, BI alien registration division chief, sa ilalim ng Section 10 ng RA 1950, nakasaad na lahat ng alien na may hawak na immigrant o non-immigrant visas ay kailangang magsumite ng ulat kahit sa BI main office sa Intramuros, Maynila o saan mang extension, district, sub-port o satellite offices sa buong bansa.
Pinayuhan naman ni Almeda ang mga dayuhan na direktang magbayad sa cashier’s office upang maiwasan ang transaksyon sa mga fixer kung saan nagkakahalaga ito ng P300 at P10 legal research fee.
Samantala, ang may hawak naman na old paper-based ACR at ang visas ay hindi exempted mula sa pagbabayad ng immigration fees ay hindi papayagang kumuha ng annual report maliban kung mag-apply ng ACR-I card.
Sa mga dayuhan naman na mas mababa sa 14-anyos o mas mataas sa 65-anyos ay maaring kumuha ng report ang kanilang legal guardians of representatives.
- Latest
- Trending