'Tulak' na bebot timbog

MANILA, Philippines - Arestado sa isang buy-bust operation ng mga tauhan ng Manila Police District-District Anti-Illegal Drugs ang 18-anyos na babae na nakunan ng isang plastic sachet­ ng pinaniniwalaang shabu o metamphetamine hydrochloride, sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng hapon.

Ipinagharap na ng kasong paglabag sa RA 9165 sa Manila Prosecutor’s Office ang suspect na si Jessica Leopante, ng no. 2 Kalamansi St. Tondo , Maynila.

Dakong  5:30 ng hapon nang makabili umano ng iligal na droga ang isa sa pulis at dakpin ang suspect. Nagtangka pa umanong tumakas si Leopante subalit nakorner din.

Narekober sa kanyang katawan ang umano’y shabu na nakasilid sa maliit na plastic.

Show comments