120 armas binili ng PDEA vs drug syndicates
MANILA, Philippines - Para matugunan ang pangangailangang armas, bumili ng may 120 mataas na kalibre ng armas mula sa Israel ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) pangontra sa firepower ng mga kilabot at big-time drug syndicate.
Nauna rito, limang araw na isinalang sa firearms training ang ilang matataas na opisyal ng PDEA sa PDEA Academy, Silang Cavite, bilang paghahanda sa agarang pagtatalaga sa mga operatiba ng PDEA gamit ang makabagong armas na binili ng ahensiya.
Sa pangunguna ni Senior Undersecretary Dionisio R. Santiago, Director General ng PDEA, binasbasan kahapon ang bagong TAVOR Assault Rifle CTAR 21 (Commander Tavor Assault Rifle) na ginanap sa PDEA National Headquarters.
Ang short barreled na TAVOR CTAR 21 ay assault rifle ay may sukat na standard NATO caliber 5.56 na bala at may (3) selective fire system, semi-automatic at full-automatic system.
Ayon kay Santiago ang mga makabagong armas ay magbibigay ng malaking tulong sa kanilang kagawaran para mapalakas ang kanilang firepower laban sa anumang banta ng mga sindikato.
- Latest
- Trending