Bonus ng Manila City Hall employee matatanggap na

MANILA, Philippines –  Matatanggap na ang bonus at kabuuan ng 13th month pay ng may 11,000 empleyado ng Manila City Hall anumang araw.

 Inihayag ni Manila Mayor Alfredo S. Lim  ang magandang balita sa gitna ng isinagawang Christmas tree lighting cere­mony kamakalawa ng gabi, sa harapan ng Manila City Hall.

 Dakong alas-6 ng gabi nang pailawin ang higanteng Christmas tree, na ginamitan ng may 400 Christmas lights, bilang hudyat ng simula ng selebrasyon ng Kapaskuhan.

 “Ginagawa natin ito para masaya, maramdaman natin ang diwa ng Kapaskuhan. Sa Lunes ia-announce na natin ’yung bonus ng city employee, para may maiuwi naman sila sa kanilang pamilya,” ayon sa alkalde.

Show comments