2 pang miyembro ng APO ipinatawag ng NBI

MANILA, Philippines –  Kinumpirma ng  Alpha Phi Omega (APO) legal team  na pinadalhan na ng National Bureau of Investigation (NBI) ng subpoena ang dalawa nilang   miyembro para  magbigay-linaw sa naganap sa Bar blast noong Setyembre 26, 2010 sa harap ng De La Salle Uni­ver­sity (DLSU) sa Taft Avenue, Maynila.

Ayon kay Atty. Luis Paredes, miyembro ng  APO legal­ team, natanggap nila ang unang subpoena noong nakalipas na Martes at ang ikalawa ay noong Huwebes ng umaga.

Hindi umano imbitasyon kundi subpoena ang natanggap nila para sa dalawang APO members, ani Atty. Paredes.

Nagpahayag din ng pa­ngamba ang APO na baka umano maharass din ang da­lawa nilang miyembro tulad­ sa nangyaring paglutang noon ni Anthony Leal Nepomuceno.

Show comments