4 miyembro ng carnap gang timbog

MANILA, Philippines - Natimbog ng mga elemento ng  Quezon City Police District (QCPD) ang apat na miyembro  ng ‘Motorcycle carnap gang’ sa isinagawang buy-bust operation sa Quezon City.

Sa  report  ni QCPD Director Chief Supt. Benjardi Mantele, kinilala ang mga suspek na sina Demetrio Caro, 42; Jerry James Pangan, 19; Rommel Santiago, 26; at Gibbrael Arcega, 21.

Ang pagkakalambat sa mga suspek ay bunga ng pagkaka­aresto sa isa sa kanilang kasama matapos makipag-deal sa poseur-buyer ng QCPD.  Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil  sa operasyon ng grupo na sangkot  sa nakawan ng motorsiklo sa lungsod.

Agad namang isinagawa ang buy-bust operation dakong alas-12:45 kamakalawa ng hapon sa Min­danao Avenue kung saan umaktong poseur-buyer si PO2 Jocel Calvario na umano’y bibili  ng  nakaw na dilaw na Yamaha MIO SZ-9374 kung saan ang ka-transaksyon ay ang suspek na si Arcega. Matapos dakpin si  Arcega ay itinuro nito ang kanyang mga kasama na sunud-sunod na ring nadakip.

Show comments