MANILA, Philippines - Dahil sa insidente ng pangangagat sa mukha ng isang babae sa isang mall ng nagwalang K-9, agad na nagbigay ng direktiba si Philippine Coast Guard (PCG) Commandant Admiral Wilfredo Tamayo sa coast guard K-9 handlers na magpatupad ng extra precautionary measures upang hindi makatulad sa nasabing pangyayari. Mahigpit na pinaalalahanan ni Tamayo ang mga K-9 handlers na dapat dumaan sa masusing training ang mga aso upang hindi ito maglagay sa peligro sa buhay ng publiko at sa halip at magbigay ito ng proteksiyon. Samantala, iniulat ni Commander Allen Dalangin ng coast guard K-9 units na ang kanilang “ASPIN program” ay nagpapatuloy pa rin para sa pagsasalang ng mga asong Pinoy bilang bahagi ng K-9 units sa iba’t -ibang pantalan na makatutulong sa kanilang high-breed K-9 counterparts.