1 buwan hanggang 1-taon suspensyon sa prangkisa

MANILA, Philippines - Nagbanta ang Land  Transportation Franchising Regulatory Board (LTFRB) na posib­leng masuspinde ng isang buwan  hanggang isang taon ang prangkisa ng mga pampasaherong bus na lumahok sa  tigil pasada kahapon.

Ayon kay LTFRB Chairman Nelson Laluces, ito ay ipapa­taw nila kung mabibigo ang mga bus operator na majustify ang tigil-pasada. Sinabi ni Laluces na bukod sa suspension ng prangkisa, may P10,000 multa pang naka­atang sa mga bus operator bilang dagdag na parusa sa ginawang tigil pasada.

Show comments