Call center agent nagbigti

MANILA, Philippines - “Sorry hindi ko alam ang gagawin ko, I love you. “

Ito ang nakasulat sa suicide note ng isang call center agent matapos magbigti gamit ang sinturon sa lungsod ng Quezon kamakalawa ng gabi.

Ayon kay PO2 Roland Belgica ng Criminal Investigation and Detection unit ng QCPD, ang biktimang si Danilo Oliveros Jr., ng #31 Narra St., Hovard Homes, Brgy. Old Balara, ay natagpuang nakabitin sa window grill sa loob ng kanyang kuwarto bandang alas-7 ng gabi.                        

Batay sa report, Biyer­nes ng alas-8 ng umaga nang umuwi ang biktima matapos na makipag-inuman sa kanyang mga kaibigan sa Timog. Pasado alas-12 ng tanghali nang puntahan ang biktima ng kanyang ama sa kuwarto at hindi sumasagot. Sa pag-aakalang mahimbing lamang na natutulog ay nagpasya ang kanyang tatay na iwan ito.

Makalipas ang alas-7 ng gabi, nang muling puntahan ng kanyang tatay ang biktima ay hindi pa rin ito nagbubukas kung kaya napilitan na siyang kunin ang duplicate key at buksan ito hanggang sa bumulaga sa kanyang harapan ang nakabiting katawan ng anak.

Ayon sa pulisya, may problema sa kanyang love­­life ang biktima na posibleng dinamdam nito.

Show comments