MANILA, Philippines - Ipiniit na sa Quezon City Jail (QCJ) ang da ting driver ng puganteng mambabatas na si Senator Panfilo Lacson.
Ito ang ipinalabas na kautusan ni QC RTC Branch 103 Judge Jaime Salazar Jr., matapos mahuli ang suspek na si Reynaldo Oximoso sa Bataan.
“We hereby commit to you the living person of Reynaldo Oximoso charged before this court of multiple murder pending resolution of his cases subject to the orders of this court,” utos ni Judge Salazar sa pamunuan ng QCJ.
Agad namang dinala sa QCJ si Oximoso pagkalabas ng commitment order na inisyu ng korte.
Naaresto si Oximoso sa operasyon ng magkasamang puwersa ng Bataan police at military noong Nobyembre 1 sa Brgy. Binukawan, Bagac, Bataan alinsunod na rin sa warrant of arrest na inisyu ni Judge Salazar noong Abril 22, 1993.
Nahaharap sa kasong murder si Oximoso at lima pang miyembro ng military intelligence group bunsod umano ng pagpatay sa limang miyembro ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) ng pulisya noong Enero 17, 1984 sa Cubao, Quezon City.
Napag-alaman na idinadawit din si Oximoso sa pagpaslang sa PR man na si Salvador “Bubby” Dacer at sa driver nitong si Emmanuel Corbito.
Nagsilbi si Oximoso na tagamaneho ni Lacson mula 1993 hanggang 2004.