Kelot natagpuang patay

MANILA, Philippines - Basag ang kanang bahagi ng bungo ng isang hindi pa kilalang lalaki na natagpuang patay sa harap ng isang  supermarket sa Tondo, Maynila,  kamakalawa ng gabi.

Inilarawan ang biktikma na nasa pagitan ng 25-30 anyos, may tattoo na “Jerden” sa kanang braso at “Jerry Bagsak” sa kanang dibdib, nakasuot ng pula na t-shirt at short pants.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-10:30 ng gabi nang mapadaan umano sa harapan ng Makro supermarket sa Road 10,­ s­akop ng Brgy. 128 Zone 10, Tondo, ang isang nakabisikletang lalaki na naka­puna sa nakabulagtang katawan ng biktima na agad naman nitong ipinagbigay alam sa punong-barangay.

Hinihinalang isang malaking bato ang ipinukpok sa ulo ng biktima na ikinasawi nito. Patuloy pa ang isinasagawang imbestigasyon.

Show comments