MANILA, Philippines – Tinatayang aabot sa P1 milyong halaga ng motor oil ang nasabat ng mga tauhan ng National Bureau of Investigation sa isinagawang magkakasunod sa operasyon laban sa iligal na nagbebenta ng langis, sa Maynila at Pasay City.
Kabilang sa ipinagharap ng reklamo ay ang mga may-ari ng pitong tindahan sa #622 V. Tytana St. (dating Oriente St.), Binondo, Manila; Malibay Auto Supply ng 805 E. de los Santos Avenue, Pasay City; isa pang katabing tindahan ng Malibay Auto Supply, na may signage na “Hi Quartz Auto Parts Center”, at ang Lawton Auto Supply Inc. sa Pedro Gil St., Paco, Manila.
Sa ulat ng NB-Intel lectual Property Rights Division, base sa reklamo ng Castrol Limited Taw and Associates, nagpalabas ng search warrant si Judge Amor Reyes ng Manila Regional Trial Court Branch 21.
Umabot naman sa 1,837 containers ng lubricant oil (Castrol Ltd.) ang nakumpiska ng NBI na umaabot sa halagang P1,041,072.