Kelot lasog sa 2 sasakyan

MANILA, Philippines - Patay ang isang helper nang mabundol ng isang van at nasagasaan pa ng kotse habang tumatawid sa lung­sod Quezon kahapon.

Nasawi habang nilalapatan ng lunas sa ospital ang biktimang si Ariel Loza, 28, ng #48 Selecta Avenue, Balin­tawak sa lungsod.

Arestado naman ang mga nakabundol na sina Carlito Ravanes, 37, driver ng Mitsubishi L-300 aluminum van (XSX-577); at Jesus Flordelito Alarcon, 51, may-asawa, driver ng Nissan Sentra Sedan (TYN-978).

Ayon kay SPO2 Reynaldo Patiag, ng Traffic Sector 6 ng QCPD, nangyari ang insidente sa may northbound lane kanto ng Corregidor St. ganap na alas 12:30 ng madaling-araw.

Tinatahak ni Ravanes ang kahabaan ng Edsa galing Cubao patungong Balintawak nang pagsapit sa naturang kalye ay nabundol nito ang tumatawid na biktima.

Sa lakas ng pagkakabangga ay tumilapon ang biktima sa kalye na tiyempo namang paparating din ang sasakyan ni Alarcon at masagasaan pa niya ito. Dahil dito, nalasog ang katawan ng biktima at nag­mistulang gulay na naka­handusay sa kalsada. 

Inihahanda na ng operatiba ang kasong reckless imprudence resulting in homicide laban sa mga naturang driver.

Show comments