MANILA, Philippines - Nasa 1,800 traffic enforcers ang sisimulan nang i-deploy ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa buong Kalakhang Maynila para magmantina ng daloy ng trapiko sa araw ng Undas.
Sinabi ni Emerson Carlos, Director ng Traffic and Transport Management Office (TTMO), magtatalaga rin sila ng mga enforcers sa mga lansangang malapit sa mga bus terminal dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga pasaherong magtutungo sa kani-kanilang lalawigan.
Pansamantalang itinalaga si Carlos bilang officer-in-charge (OIC) ng MMDA matapos magtungo sa Jakarta, Indonesia si Chairman Francis Tolentino upang dumalo sa 1st ASEAN Meeting for Governors and Mayors.
Nabatid pa kay Carlos na kabilang sa mga pangunahing lansangan na tututukan ng kanilang mga traffic enforcers ang mga daan patungo sa North Cemetery, La Loma at Chinese Cemetery sa Maynila, Manila at Loyola Memorial Park sa Parañaque, Holy Cross Memorial Park, Himlayang Pilipino at Eternal Park sa Quezon City at Loyola Memorial Park sa Marikina City.
Tiniyak naman ni Carlos na hindi magkakaroon ng kalituhan sa pagmimintina ng trapiko ngayong Undas dahil nakipag-ugnayan na sila sa pamunuan ng PNP at mga local official upang maging maayos ang daloy ng trapiko, lalu na sa mga lungsod na nagpapatupad ng traffic rerouting tulad ng Makati City.
Nanawagan din ang OIC ng MMDA sa publiko na makiisa at suportahan ang inilatag na Oplan Undas na hindi lamang naglalayon na maging maayos ang daloy ng mga sasakyan kundi mabigyan din ng protek siyon at seguridad ang libu-libong dadagsa sa mga sementeryo na dadalaw sa puntod ng kanilang mga namayapang mahal sa buhay.