MANILA, Philippines - Makaraang magtaas ng P1.75 kada litro, nagpatupad kahapon ng katiting na P.50 kada litro ng pet rolyo ang mga dambuhalang kompanya ng langis.
Nanguna ang Filipinas Shell ng pagbaba sa halaga ng premium, unleaded, diesel at kerosene ng P.50 kada litro dakong alas-12:01 ng hatinggabi. Nagbaba rin ang kompanya ng P.25 kada litro ng regular na gasolina.
Dakong alas-6 naman ng umaga nang magbaba ng kahalintulad na halaga sa parehong mga produkto ang Petron Corp., Chevron Corp. at SeaOil Philippines.
Ikinatwiran nina Toby Nebrida ng Chevron at Mitch Cruz ng Shell na sinasalamin lamang ng pagbaba ng halaga ng produktong petrolyo ang galaw ng presyo ng krudo sa internasyunal na merkado.
Matatandaan na nagpatupad ng pagtaas ng P1.25 kada litro ang mga kompanya ng langis no ong Oktubre 12 na sinundan ng panibagong P.50 kada litro nitong Oktubre 19.