Commando utas sa Sputnik

MANILA, Philippines - Patay ang isang mi­yembro ng Commando gang nang abangan at barilin sa isang lamayan ng kaalitang miyem­bro naman ng Sputnik sa Tondo, Maynila, kama­kalawa ng gabi.

Nakilala ang nasawi na si Rodolfo Santos, 41, isang stevedore sa Makro North Harbor at residente ng Moriones St., Tondo.

Tinutugis pa ang sus­pect na kinilalang si Mi­chael Lopez, 35, mi­yem­bro naman ng Sput­nik gang at nanini­rahan sa Paghanapin St., Tondo.

Napag-alaman na naganap ang insidente   dakong alas-10:20 ng gabi sa panulukan ng Ka­giti­ngan at Zabala sts., Tondo.

Nakarinig na lamang umano ng malakas na putok ng baril ang iba pang naglalamay at na­kitang nakahandusay na ang biktima habang ang sus­pect ay mabilis na nilisan ang lugar.

Sinabi ng ina ng bik­tima na si Corazon San­tos, matagal nang kaalitan ng anak ang suspect.

Show comments