Bgy. Capt., binaril patay
MANILA, Philippines - Patay ang isang barangay chairman sa Malabon City matapos na barilin sa ulo ng hindi pa nakikilalang mga suspect matapos na dumalo sa isang misa kahapon ng umaga sa nabanggit na lungsod.
Idineklarang dead on arrival sa ospital ang biktimang si Maximo Bernardo Gonzalez, 56, re-electionist sa Bgy. Conception, Malabon City.
Sa report ng pulisya, dakong alas-7:05 ng umaga ng maganap ang insidente. Kalalabas pa lamang ng simbahan ng biktima nang lapitan ito ng isa mga suspect at barilin sa ulo.
Matapos ang pamamaril ay agad na sumakay ng motorsiklo ang mga suspect at mabilis na tumakas.
- Latest
- Trending