Binata natagpuang patay sa CR

MANILA, Philippines - Masusing imbestigasyon ngayon ang isinasagawa ng pulisya matapos na matag­puan ang bangkay ng isang 23 anyos na binata sa loob ng comfort room ng inuupa­hang bahay nito sa Tondo, Maynila.

Sa ulat ni PO3 Jay Santos ng Manila Police District-Homicide Section, dakong alas-9:30 ng gabi nang madis­ kubre ng isang Joy Lidero, ang bangkay ng biktimang si Ariel Delos Reyes, pro­modizer, ng no. 212 Sofia St., Balut, Tondo. 

Ayon kay Lidero hindi niya inakala na may masa­mang nangyari sa biktima dahil nakabukas ang ilaw sa silid nito at patuloy umano ang pagpapatugtog sa kan­tang “Di lang Ikaw”,

Napuna din ni Lidero na nakabukas ang ilaw ng CR kung saan nakasubsob ang biktima at wala ng buhay.

 Sinabi ni Lidero na huling niyang nakitang buhay ang biktima dakong 11:00 kama­kalawa ng umaga na balisa at malalim ang iniisip.

Hinihintay naman ang resulta ng awtopsiya upang matukoy ang dahilan ng pag­kamatay nito dahil  walang nakitang sugat o palatandaan na pinahirapan ito.

Show comments