Dayo bugbog sarado

MANILA, Philippines - Mistulang nalantang gulay ang isang binata nang pagtri­pang  kuyugin at bugbugin ng sampung kalalakihan matapos mapadayo lamang ang una sa Caloocan City kahapon ng madaling-araw.

Ginagamot ngayon sa Quezon City General Hospital sanhi ng matinding bugbog na tinamo ang bikti­mang  si Adrian Bulabog, ng Bagong Silang ng nabaggit na lungsod. Nagsa­sagawa naman ng follow-up operation ang mga pulis laban sa sampung hindi pa nakiki­lalang mga suspek na mabilis na nagsitakas maka­raang ku­yugin ang biktima.

Sa imbestigasyon ng pu­lisya, naganap ang insidente dakong ala-1:30 ng madaling-araw sa kaha­baan ng Camarin Road, Camarin, Caloocan City. Napa­dayo lamang ang biktima sa nabanggit na lugar at habang ito ay naglalakad, pinagtripan ito ng mga suspek. 

Show comments