Ulo ng estudyante sabog sa pillbox, 2 pa sugatan

MANILA, Philippines - Sabog ang ulo ng isang graduating student ng TIP, habang dalawa pa ang nasugatan nang hagisan ng pillbox ang kanilang grupo habang nag-iinu­man sa Quiapo, Maynila.

Nakilala ang nasa­wing biktima na si Goldwyn Magnaye, 20, ng Sampa­loc, Manila, may 2 anak at magtatapos na sana ng kursong Marine Engineering ngayong Oktubre.

Sugatan naman sina Karlo Lloren, criminology student ng MLQU  at Jeric Carpio, Marine engineering graduate ng Cruzada St., Quiapo, Maynila.

Mabilis namang tuma­kas ang hindi pa nakikila­lang suspect na nakasuot ng   kulay puting t-shirt at maong na pantalon. 

Ayon sa ulat naga­nap ang insidente, dakong alas- 9:00 ng gabi sa Cruzada St., di kalayuan sa Legarda, Sampaloc, Maynila habang ang biktima at walo pang kainuman ay nilapitan ng suspect at binato ng pillbox.

Galos lamang ang na­tamo ni Carpio ha­­bang si Lloren ay tinamaan sa lalamunan.

Sinabi ni Valera na sa ulo ni Magnaye lumanding ang pillbox at doon mismo sumabog.

Inaalam pa ng pulisya kung may kinalaman sa away fraternity ang motibo sa naganap na pagpapasabog.

Show comments