Jeepney operator binoga sa inuman

MANILA, Philippines - Patay ang isang jeepney operator makaraang barilin habang ito ay nakikipag-inuman sa Malabon City kamakalawa ng gabi. Nakilala ang nasawi na si Teofilo Santiago, 53, taga  Little Samar, San Jose, Navotas City. Nagsa­sagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa dala­wang hindi pa nakikilalang mga suspek. Naganap ang insidente dakong alas-6:15 ng gabi sa Gabriel 2 Subdivision, Brgy. Hulong Duhat, Malabon City. Nabatid, na nakikipag-inuman ang bik­tima­ sa mga kaibigan nito sa na­banggit na lugar, nang sumul­pot­ ang mga suspek kung saan isa sa mga ito ang bumaril kay Santiago. Matapos ang insi­dente ay tumakas ang mga suspek habang inaalam pa ng pulisya ang motibo ng nasabing insidente.

Show comments