Tsinoy, tiklo sa pagwawala, pagpapaputok ng baril

MANILA, Philippines - Isinasailalim sa imbes­tigasyon ng Manila Police District-General Assignment Section ang isang Filipino-Chinese na nagwala, nanu­tok ng baril at nagpaputok nang dahil lamang umano sa away nilang mag-asawa at sa dinaranas umanong post traumatic experience mata­pos mabiktima ng umano’y kidnapping, sa Tondo, May­nila, kahapon ng hapon.

Binitbit ni MPD-station 2 chief, Supt. Ferdinand Qui­rante ang suspect na si Benjamin Yu, ng Unit 1908, 19th floor ng Empire Plaza Building na matatagpuan sa panu­ lukan ng Masangkay at Bam­bang sts., sa Tondo, na di­uma­no ’y isang confidential agent. 

Sa inisyal na impor­ma­syon, bago mag-alas 3:00 ng hapon nang maka­rinig ng mga putok ang mga kalapit na kuwarto ng bik­tima at may nakitang usok umano mula sa loob ng silid nito. Agad umanong nagsi­pagkatukan ang mga residenteng kalapit na condominium units

Dahil sa tawag ng ilang residente sa nasabing floor, agad namang tumawag sa fire hotline ang security guard ng nasabing gusali hang­gang sa magsidatingan ang ilang fire volunteer, Bureau of Fire Protection, Special Weapons­ and Tactics (SWAT), Mobile Units at mismong hepe ng  MPD-station 2.

Dakong alas-4:41 nang akyatin na ng mga operatiba ang unit ng suspect at dinala ito sa MPD-station 2, bago naiturn-over sa MPD-GAS.

Show comments