Lumaklak ng silver cleaner, binata dedo

MANILA, Philippines - Tinakasan ng isang binata ang sari-saring problema nito sa pera makaraang uminom ng silver cleaner kamakalawa ng tang­hali sa Navotas City.

Bagama’t naisugod pa sa Tondo Medical Center, hindi na rin naisalba pa ang buhay ang 28-anyos na biktimang si Anselmo Nilo, ng Chungkang St., Tanza, ng naturang lungsod.

Nabatid na natagpuan ang biktima ng ina nitong si Alma sa loob ng kanilang bahay na bumubula ang bibig da­kong alas-11 ng umaga.

Agad na humingi ng sak­lolo sa mga kapitbahay si Alma at isinugod sa paga­mutan ang anak ngunit na­sawi rin dahil sa na­apektuhan na ang mga vital organs nito.

Sa inisyal na imbesti­gasyon, nabatid na maraming problemang iniisip umano ang biktima lalo na sa pera kung saan tadtad ito ng utang habang wala namang ma­ipambayad dahil sa wala ring trabaho.

Show comments