^

Metro

Bangkay ng babae isiniksik sa bag

- Ni Da­nilo Garcia -

MANILA, Philippines –  Isang bangkay ng babae na pinaniniwa­laang biktima ng summary execution ang natagpuan na na­ ka­siksik sa ma­laking bag, kahapon ng umaga sa Calo­ocan City.

Inilarawan lamang ang biktima na nasa edad na 18 hanggang 25-anyos, nakasuot ng puting sleeveless na blouse na may tatak na London Middlesex Archaeo­logical Society at nakasuot ng panty.

Sa police report, dakong alas-6:30 ng umaga nang madis­kubre ang bangkay sa may Road 38 Congress Village, Bagum­bong.

Nabatid na isang Marionito Longalong ang nakakita sa bag na itim na may tatak na Billon Club. Dahil sa kuryosidad at pag-asa na makakita ng bagay na mapapakina­ba­ngan, binuksan nito ang bag kung saan tu­mambad ang bangkay ng babae.

Sa inisyal na imbes­tigasyon, nabatid na pinatay sa sakal ang biktima bago iginapos ang magka­bilang hita.

Isang sako rin ang nakuha sa bangkay na may nakasulat na “wag n’yo akong tularan, man­loloko ako.”

vuukle comment

BAGUM

BILLON CLUB

CALO

CONGRESS VILLAGE

DAHIL

INILARAWAN

ISANG

LONDON MIDDLESEX ARCHAEO

MARIONITO LONGALONG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with