Bangkay ng kelot lumutang sa ilog

MANILA, Philippines - Isang hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang nakalutang sa Pasig River sa bahagi ng Sta. Ana, Maynila, kamakalawa ng hapon. Inilarawan ang lalaki sa edad na 20-30 anyos, may taas na 5’5’’, katamtaman ang panga­ngatawan, nakasuot ng kulay pulang t-shirt, checkered na short pants at itim na sapatos. Nakita ang bangkay sa Pasig River sa ilalim ng Lambingan Bridge sa Sta Ana, Maynila. Walang nakitang palatandaan na pinahirapan o nasugatan ang biktima. Nakalagak ang bangkay sa St. Harold Funeral Homes para sa safekeeping at autopsiya.

Show comments