Nangantiyaw na sabungero binoga, patay

MANILA, Philippines - Binaril at napatay ang isang sabungero dahil kinantiya­wan nito ang lalaking natalo niya sa pustahan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City. Dead-on-arrival sa Jose Reyes Memorial Medical Center sanhi ng tama ng bala sa dibdib si Artemio Castillo, 47, ng Sapsap st., Caloocan City. Pinag­ha­hanap naman ng mga pulis ang suspek na si Ronald Legaspi. Dakong alas-10 ng gabi, ng maganap ang insi­dente habang nakatambay si Castillo sa tapat ng kanilang bahay nang dumating ang suspek at barilin ito. Nabatid, na bago ang insidente ay nagkaroon ng tupada sa nasabing lugar kung saan tinalo ng manok ng biktima ang panlaban ng suspek. Napikon umano ang suspek nang kantiyawan pa ng biktima matapos talunin, dahilan upang magtanim ng galit ang suspek sa biktima at isagawa ang pagpaslang.

Show comments