Coed lasog sa bus

MANILA, Philippines - Isang estudyante na hindi na naman gumamit sa tamang daaan o over­pass ang nasawi makara­ang mabundol ng isang pampasaherong bus ha­bang papatawid sa Com­monwealth Avenue sa lungsod Quezon, ayon sa pulisya kahapon.

Kinilala ng pulisya base sa nakuhang identi­fication card, ang biktima na si Danica Magno, 19, dalaga, estudyante ng University of Rizal System at nakatira sa Riverside St., Brgy. Commonwealth, sa lungsod.

Dead-on-the-spot sa lugar si Magno matapos na magtamo ito ng matin­ ding pinsala sa kanyang kata­wan.

Hawak naman ng PS5 ang driver ng naka­banggang bus na si For­tunato Gilaton, 39, driver at residente ng Brgy. Kaliga­yahan, Novaliches.

Nangyari ang insidente ganap na alas-10 ng gabi. Sinasabing tinatahak ng Joyselle bus (TWB-184) ang naturang lugar nang biglang tumawid ang bik­tima di-kalayuan sa over­pass at nasapol ito.

Sa lakas ng impact, tumilapon ang biktima sa kalsada, habang ang bus ay tinangka pang tumakas, ngunit agad namang na­habol ito ng mga operatiba ang inaresto ang nasabing driver.

Show comments