Ginang itinumba sa harap ng bahay

MANILA, Philippines - Patay ang isang 32-anyos na babae makaraang pagba­ba­rilin ito ng hindi pa nakiki­lalang salarin sa harapan ng kanyang bahay, kamakalawa ng gabi sa Pasay City.           

Nalagutan ng hininga sa Pasay City General Hospital dahil sa tatlong tama ng bala ng kalibre .45 ang biktimang si Mary Jaida dela Cruz, ng Rodri­guez St., M. dela Cruz, ng natu­rang lungsod.           

Bigo naman ang pulisya na makilala ang salarin dahil sa wa­lang mahanap na saksi habang tikom rin ang bibig ng mga kaanak ng biktima sa imbestigasyon.

Nabatid na tumanggi pa ang nakababatang kapatid ng bik­tima na si Fancilli Dela Cruz na imbestigahan ng pulisya ang krimen.

Naganap ang krimen da­kong alas-6 ng gabi sa tapat ng bahay ng biktima. May ka­usap umano si Dela Cruz hang­gang sa umalingawngaw ang tatlong sunod na putok ng baril at bumulagta ang babae.           

Nakita naman ni Francilli ang papatakas na suspek na umang­kas sa naghihintay na mo­torsiklo at mabilis na tumakas.           

Hinihinala naman ng mga awtoridad na posibleng may ka­ugnayan sa iligal na droga ang krimen. Nabatid sa rekord ng Sta­tion Anti-Illegal Drugs Spe­cial Operations Task Force na dati nang nahuli si Dela Cruz sa kasong pagbe­benta ng iligal na droga ngunit nakalaya rin sa hindi pa ma­linaw na dahilan. 

Show comments