2010 Bar Exam sinimulan kahapon

MANILA, Philippines - Nagsimula kahapon ang una sa apat na magka­kasunod na araw ng Linggo sa loob ng Set­yembre para sa 2010 Bar Examinations kaya muling dinagsa ang paligid ng De La Salle University sa Taft Avenue, Ermita, Manila, ng mga kapamilya at kaibigan ng mga examinees para magpakita ng suporta.

Isinara naman sa mga motorista ang kahabaan ng Taft Avenue sa pagitan lamang ng Vito Cruz at Quirino Ave para bigyang-daan ang mga tagasuporta ng mahigit na 5,000 Bar examinees na kumuha ng pagsusulit.

Kabilang sa mga subject sa pagsusulit ng Set. 5, ang Political Law, Consti­tutional Law, Local Government Code (R.A. No.7160) (Basics, Public Corporations, Public International Law, Labor Laws (Labor Standards Law and Labor Relation Law) at ang Social Legislation.

Show comments