MANILA, Philippines - Isang 27-anyos na binata na kalalaya pa lamang sa Manila City jail ang binaril at napatay ng hindi pa nakikilalang suspect sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.
Kinilala ang biktimang si Gino Arce, tubong Tacloban City at residente ng Area H, Gate 20, Parola Compound, Tondo. Nagtamo ito ng tama ng bala sa ulo. Mabilis namang tumakas ang suspect matapos ang isinagawang krimen.
Ayon sa ulat, dakong alas-11:10 ng gabi nang malapitang barilin ang biktima habang nakatambay sa Sparline Road, Gate 1, Area A, Parola compound, Tondo nang lapitan ng suspect at paputukan sa ulo.
Kalalabas pa lamang umano ng kulungan ng biktima sa kasong robbery (hold-up).
May nagbigay ng impormasyon sa imbestigador na may kaaway ang biktima sa breakwater sa Tondo.Patuloy pa ang imbestigasyon sa kaso.