Kelot tinodas ng kaaway

MANILA, Philippines - Isang 26-anyos na lalaki ang nasawi matapos na patraydor itong barilin ng kanyang dating nakaaway nang matiyempuhan ito kahapon ng umaga sa Caloocan City. Nakilala ang nasawi na si Joseph Razon, nakatira sa C. Cordero St., 9th Avenue, ng nabanggit na lungsod. Pinaghahanap naman ng mga pulis ang suspek na nakilala lang sa “alyas Oman” at kalugar ng biktima. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-4:30 ng umaga, nagla­lakad ang biktima sa isang eskinita sa kahabaan ng 8th Avenue nang mula sa likod ay sumulpot ang suspek at patraydor itong binaril ng huli.

Matapos ang insidente ay tumakas ang suspek habang dinala naman ang biktima ng mga taong nakakita sa nabanggit na ospital, patuloy na iniimbestigahan ang naturang insidente.

Show comments