33 Pinay biktima ng human trafficking nasagip ng NBI
MANILA, Philippines - Nasa 33 Pinay na kinabibilangan din ng ilang menor de edad ang nasagip ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) mula sa isang safe house sa Las Piñas City na nakatakda na sanang magtungo sa Kuwait, kahapon ng umaga.
Ayon kay Head Agent Atty. Dante Bonoan, ng NBI-Anti-Human Trafficking Division (AHTRAD), 33 na mga kababaihan at karamihan umano dito ay pawang mga menor de edad kabilang ang mga kapatid na Muslim na umano’y ni-recruit sa probinsya upang magtrabaho umano sa Kuwait bilang mga domestic helpers.
Ang operasyon ay isinagawa dakong alas-8:00 ng umaga sa dalawang safe house sa Las Piñas City.
Hindi din pinangalanan ni Bonoan ang 33 mga kababaihan gayundin ang mga suspect na hinihinalang pawang miyembro ng sindikato ng human trafficking sa bansa.
Ang mga nasagip ay dinala sa NBI headquarters sa Taft Ave., Maynilla para tulungan sa pagpapabalik sa kanilang mga lalawigan habang ang mga suspect ay nakatakdang sampahan ng kaukulang kaso habang nakadetine sa NBI detention facility.
- Latest
- Trending