US Peace Corps tutulong sa edukasyon

MANILA, Philippines - Agosto 21, kasabay ng anibersaryo ng pagkamatay ni dating Senator Benigno Aquino Jr., ginunita sa Manila North Cemetery ang 109 th anniversary ng pag­dating sa bansa ng American volunteer teachers na sakay ng barkong USS noong 1901 na nagtatag ng public school system, nagsanay ng mga Pinoy na guro gamit ang English bilang medium of instruction kaya naitala ang Pilipinas sa buong Asya bilang nangunguna sa English speaking country.

Sa pagdalo ni US Ambassador Harry K. Thomas, Jr. pinapurihan niya si Manila Mayor Alfredo S. Lim sa pag-aaral mula daycare hanggang kolehiyo tulad ng naging adbokasiya ng ‘Thomasites’ na sinuyod ang ibat’ ibang lugar ng bansa para magturo.

Marami sa Thomasites ang nakalibing sa Manila North Cemetery, na namatay dahil sa kagat ng ahas sa pagtungo sa liblib na lugar, ilan ang namatay dahil sa cholera at malaria kung saan ilan din ang ipinapatay dahil sa hinalang nagtatag ng kalabang relihiyon.

 Nangako si Thomas Jr., na tutulong ang Amerika sa kasalukuyang shortage sa classroom sa public school sa bansa, na katunayan ay paparating na sa bansa ang 145 miyembro ng pinakamalaking contingent ng US Peace Corps, para tumulong sa edukasyon. Nasa 83 sa kanila ay direct descendants ng Thomasites.

“They sacrificed for us and we also sacrificed for them. During the World War I and II, our valiant forces fought side by side with the American soldiers in the fight for freedom and democracy,” pahayag ni Lim.

Show comments