Gasolinahan hinoldap ng 4 na armado

MANILA, Philippines - Sinalakay ng apat na armadong kalalakihan, na pinaniniwalaang mi­yem­bro ng isang rob­bery-hold-up syndicate ang isang gasolinahan ng Shell kahapon ng umaga sa Muntinlupa City.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga kagawad ng Muntin­lupa City Police laban sa hindi pa nakikilalang mga suspek

Kinilala ang mga bik­timang sina Loiue Bing­co, 31, cashier at ang crew na si Ricky Rabago, 28, ng nabanggit na siyudad.

Sa inisyal na report ng pulisya, naganap ang in­si­dente dakong alas-3:30 ng umaga sa isang sa­ngay ng Shell na mata­tagpuan sa kahabaan ng National Road, Brgy. Alabang.

Nabatid na isang pu­ting Toyota Fortuner (ZAR-368) lulan ang apat na armadong suspect ang biglang sumulpot sa nabanggit na gasolina­han at agad na tinutukan ng baril ang mga biktima saka nagdeklara ng holdap.

Nabatid na P6,000 lamang ang nadala ng mga suspect.

Napag-alaman pa na   bago naganap ang pang­hohodap sa naturang ga­solinahan, unang hinol­dap ng mga suspek ang dalawang tricycle driver sa nabanggit pa ring lugar.

Matapos ang insi­dente ay mabilis na nag­si­takas ang mga suspek at nalaman pa rin ng pulisya, base sa kanilang pag-berepika, ang plate number na sasakyang ginamit ng mga suspek ay nagmula sa isang Toyota Hi-Lux, na pag-aari ng isang Peter Cua.

Sa ngayon ay patuloy pang iniimbestigahan ang nasabing insidente.

Show comments