Police asset tinaniman ng bala sa noo

MANILA, Philippines - Tinaniman ng bala sa noo ang isang 42-anyos na pedicab driver ng isa sa riding-in-tandem na hi­ni­hinalang grupo o sin­di­kato ng iligal na droga na posib­leng ganti umano sa pagbi­bigay ng impor­mas­yon ng una sa mga awto­ridad, kamaka­lawa ng gabi sa Tondo, Maynila.

Kinilala ang nasawi na si Fernando Lagata, ng Juan Luna St., Gaga­la­ngin, Tondo na kasalu­ku­yang nasa kritikal na kondisyon.

Dakong alas-7:30 ng gabi nang maganap ang pamamaril sa biktima sa pa­nulukan ng Solis at Anti­polo Sts., Tondo.

Nabatid na hinarang ng dalawang lalaking suspect lulan ng motor­siklo ang bik­tima habang minamaneho ang pedi­cab at bumaba ang isa bago malapitang binaril sa noo ang biktima.

Ayon sa ama ni Lagata na si Mang Floren­tino, posibleng ang hina­lang ang kanyang anak ang nagbigay ng ‘tip’ sa mga pulis nang isagawa ang drug buy-bust opera­tion noong nakalipas na buwan sa Balut, Tondo, May­nila ang dahilan ng pagkaka­baril sa anak.

Isinasagawa ang fol­low-up operation upang ma­tukoy ang nasa likod ng pamamaril sa biktima at kung may kaugnayan ito sa pagkabulabog sa ben­ta­han ng iligal na droga sa lugar.

Show comments