^

Metro

Trader dedo sa riding in tandem

- Ricky ­Tulipat -

MANILA, Philippines - Patay ang isang negosyante matapos na pagbabarilin ng hinihinalang hired killer na riding in tandem sa lungsod Quezon kamakalawa.

Kinilala ang biktima na si Rodrigo Carlit, 38, binata ng 11 Regidor St., Varsity hills, Subdivision, Brgy. Loyola Heights sa lungsod.

Mabilis namang tumakas ang mga salarin lulan ng isang motor na walang plaka.

Sa imbestigasyon ni PO3 Jimmy Jimena ng Criminal Investigation and Detention Unit ng QCPD, nangyari ang insidente sa may Legaspi St., Barangay Marilag sa lungsod.

Ayon sa mga testigong sina Florante Vales at Avelino Constante, busy sila sa paggawa ng emergency exit sa pinagta-trabahuhang gusali nang makarinig sila ng sunod-sunod na putok ng baril di kalayuan sa kanilang lugar.

Agad nilang pinuntahan ang pinagmulan ng putok kung saan nakita nila ang dalawang lalake sakay ng isang motorsiklo na nagmamadaling umalis at iniwan ang isang kulay gray na Toyota Altis (ZKY-981) sa nasabing lugar.

Nang kanilang lapitan ang sasakyan ay nakita nila ang duguang biktima at walang malay sa loob nito sanhi upang agad nilang ipinagbigay alam ito sa kaanak ng huli.

Mabilis namang sumaklolo ang mga kaanak ng biktima at isinugod ito sa Quirino Memorial Medical Center ngunit idi­neklara din itong patay.

Narekober din sa lugar ang walong piraso ng slug ng kalibre 45 baril na ginamit sa pananambang sa nasabing biktima.

Blangko pa ang pulisya sa motibo sa pagpaslang sa biktima at kung sino ang posibleng gumawa nito.

AVELINO CONSTANTE

BARANGAY MARILAG

CRIMINAL INVESTIGATION AND DETENTION UNIT

FLORANTE VALES

JIMMY JIMENA

LEGASPI ST.

LOYOLA HEIGHTS

MABILIS

QUIRINO MEMORIAL MEDICAL CENTER

REGIDOR ST.

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with