2 galamay ni Boratong, timbog ng NBI

MANILA, Philippines - Nadakip sa isinaga­wang pagsalakay ng mga ahente ng National Bureau of Investigation (NBI) ang dalawang pamangkin ni Amin Imam Boratong, ang  tinaguriang shabu tiangge operator sa Pasig City, na nahatulan ng habambuhay na pagkabilanggo at isa sa  asawa nitong si Sheryl Molera,  iniulat kahapon.

Kinilala ni NBI Director Magtanggol Gatdula ang mga suspect na sinasa­bing pumalit sa ‘trono’ ni Boratong’ na sina Hamem Boratong Panda, 22; at Minerba Boratong Batu­gan, kapwa ng Pasig City.

Bigo na madakip ang isang Acsaimen Boratong, alyas “Mac-mac”, na sina­sabing ‘hitman’ ni Boratong na ginamit na panangga laban sa mga awtoridad ang tatlong anak na babae na nasa edad 4, 5 at 6 upang makatakas.

Bitbit ang search war­rant na inisyu ni Judge Amor Reyes ng Manila Re­gional Trial Court ay isina­gawa ang pagsalakay.

 Naaktuhan umano ang ginagawang pagbe­benta ng mga suspect kung saan nakumpiska kay Panda ang 41.9 gramo ng shabu habang kay Batugan ay 6.9 na gramo.

Show comments