Hindi pinasali sa sugal, pumatay

MANILA, Philippines -  Isang lalaki ang pinagsa­saksak hanggang sa mapatay ng hindi pa nakikilalang sus­pek makaraang hindi pasa­lihin ng una sa sugal na cara y cruz ang huli kahapon sa Ca­loocan City.

Hindi na uma­bot ng buhay sa President Diosdado Macapagal Me­morial Medical Center sanhi ng saksak sa dibdib si Christian Romero, 27, ng Tupda Village ng lung­sod na ito.

Samantala, nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa suspek na mabilis na tumakas matapos ang isinagawang krimen.

Lumalabas sa pagsisiya­sat ng pulisya, naganap ang in­sidente dakong ala-1:10 ng madaling-araw sa kahabaan ng J. Felipe St., ng nabanggit na siyudad.

Lumapit ang suspek upang sumali sa biktima at ilang kalalakihan na naglalaro ng cara y cruz. Ngunit tinang­ gihan ito ng biktima dahilan upang mag­talo ang mga ito hanggang sa kinuha ng suspek ang kan­yang patalim at pinagsasak­sak ang una.

Show comments