Driver nag-suicide
MANILA, Philippines - Upang hindi na maging pabigat dahil sa kanyang nararanasang sakit, winakasan na ng isang 49-anyos na jeepney driver ang kanyang buhay matapos itong magbigti kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Sa ulat ni SPO3 Richard Lumbad ng Manila Police District-Homicide Section, ang bangkay ng biktimang si Reynaldo Narag ng #29 Laurel St., Tondo ay nadiskubre ng kanyang anak na si Mary Ann, 25, na nakabitin sa kisame gamit ang pinagdugtung-dugtong na t-shirts, dakong 10:30 ng umaga kahapon.
Sinabi ng anak ng biktima na dalawang beses nang nagtangka sa sariling buhay ang ama at ikatlo na ang insidenteng ito. Madalas umanong dinaramdam ng biktima ang kanyang sakit sa puso bukod pa sa pagkaka-stroke ng dalawang ulit.
Hiniling ng pamilya ng biktima na huwag nang paimbestigahan ang insidente dahil wala naman umanong foul play sa kaso.
- Latest
- Trending