Seguridad sa SONA plantsado na - NCRPO

MANILA, Philippines - Plantsado na ang security preparation plan ng National Capital Region Police Office (NCRPO) hinggil sa deploy­ment ng 8,000 kapulisan at ga­yundin ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kung saan mahigit isang libong traffic enforcers ang kanilang ipapakalat upang makipag-coordinate sa mga rally or­ga­nizers, magmantina ng peace and order at daloy ng trapiko sa araw ng State of the Nation Address (SONA) ni Pa­ngulong Noynoy Aquino at ang pagbu­bukas ng regular na ses­yon ng 15th Congress bukas, July 26. 

Sinabi NCRPO chief, Di­rector Roberto Rosales, naka-height­ened alert na ang Special Task Force “Kapayapaan” na bi­nuo ng Philippine National Po­lice (PNP) para sa seguridad mula kahapon ng alas-6 ng umaga.

Nagpahayag din ng ka­han­daan si MMDA General Manager Robert C. Nacianceno sa deployment ng traffic en­forcers upang magsaayos ng alternatibong madaraanan sa mga motorista bukod pa sa mga naka-antabay na ambulansiya, forklift at tow trucks na ngayon pa lamang ay naka-stand-by na sa kanilang mga puwesto.

Ayon kay Rosales, bukod sa 8,000 police personnel para sa metro-wide security opera­tions, may 5,000 Task Group “Que­zon” na deployment ang Quezon City.

Sa pakikipagdayalogo ng opisyal sa mga rally organizers na pinangungunahan ng mga militanteng grupo, nilinaw nito ang posisyon ng mga awtoridad malapit sa Batasang Pambansa sa mismong harapan ng mag­sa­sagawa ng rally upang ma­tiyak ang seguridad ng Pa­ngulo, mga congressman, mga sena­dor at iba pang dignitaries na imbitado sa SONA.

Siniguro ni Rosales sa mga rally organizers na ang PNP personnel ay pawang naka-uniporme at may nameplates upang mas madaling ma-identify, inutos din ng opisyal ang hindi pagdadala ng armas ng mga ito.

Show comments