Binata nagbigti

MANILA, Philippines - Natagpuang nakabigti ang isang 21-anyos na binata sa harapan ng isang abandona­dong bahay sa Quiapo, May­nila,  kahapon ng umaga.

Patay na nang madis­kubre ang biktimang nakilala lamang sa pangalang “Jamel”, tubong Maranaw City at residente ng 01-B Ma­langa, Islamic Center, Pa­lanca St., Quiapo, Maynila.

Sa ulat ng pulisya, da­kong alas-10:00 ng umaga nang matuklasan na nagbigti ang bik­tima sa harapan ng isang aban­donadong bahay,  sa kanto ng Malanga at Kawatan Sts.

Dahil sa tradisyon ng Islam, agad nang inilipat ang bangkay sa mosque.

Show comments