Biyuda pumalag sa holdap, patay

MANILA, Philippines - Isang tama ng bala sa leeg ang tumapos sa bu­hay ng isang 40-anyos na biyuda makaraang pu­ma­­lag sa dalawang lala­king nangholdap sa kanya, ka­makalawa ng gabi sa lung­sod ng Va­len­zuela.

Patay na nang idating sa Valenzuela General Hos­pital ang biktimang si Lornalyn Pacio, ng T. San­­tiago St., Brgy. Canu­may West ng lungsod na ito.

Nagsasagawa pa ng follow-up operation ang mga pulis laban sa mga suspek.

Sa inisyal na imbes­ti­gasyon ng Valenzuela City Police, naganap ang insi­dente dakong alas-6:30 ng gabi sa kaha­baan ng Main Road, Pina­lagad, Brgy. Ma­­linta ng nabang­git na siyudad.

Nabatid na naglalakad ang biktima sa lugar, nang lapitan ng mga sus­pek at holdapin.

Lumaban ang biktima na naging dahilan upang barilin ito ng isa sa mga sus­­pek bago kinuha ang dalang bag at nagsitakas.

Agad na dinala ang bik­tima sa pagamutan ng ilang taong nakasaksi ngunit hin­di na ito umabot pang buhay.

Show comments