^

Metro

Mababang water level sa Angat Dam: Maynilad customers, apektado sa supply ng tubig

- Angie dela Cruz, -

MANILA, Philippines – Ilang lugar ang makara­ranas ng mahinang supply ng tubig habang ang iba naman ay anim na oras na makakaranas ng pagkawala ng supply ng tubig ng Maynilad waters hang­gang matapos ang buwan ng Hulyo ng taong ito sa Metro Manila at karatig lugar .

Ito naman ang ipinahayag ng Maynilad waters, bunsod ng ginawang pagbabawas ng 30 por­siyento ng sinusuplay na tubig ng kumpanya sa mga water consumers nito dahil sa patuloy na pagbaba ng water level sa Angat dam na nagsu­suplay ng tubig sa Kalakhang Maynila.

Bunsod nito umaabot sa 46 na porsiyento ng water con­sumers ay makararanas ng paghina ng suplay ng tubig at ang may 10 porsiyento ng mga water consumers ay apektado ng anim na oras na pagkawala ng suplay ng tubig.

Ilan sa mga lugar na matin­ding maaapektuhan hanggang sa matapos ang buwan ng Hulyo ang 22 barangay sa Que­zon City, 13 barangay sa Ca­lo­ocan City, tig-apat na ba­rangay sa Malabon at Valen­zuela City habang dalawa sa Las Piñas City at isa sa Navotas.

Anumang araw at oras ay makararanas ng paghina ng tubig ang Fairview-Common­wealth partikular sa Brgy. Batasan, Bagong Silangan at Holy Spirit, Quirino-Roosevelt partikular sa barangay 158, 159, 160, 161, 162, 163, 164, Sauyo at Talipapa.

Gayundin sa Novaliches-Valenzuela sa Maysan, Ma­rulas at Gen. T. de Leon at sa Ma­labon-Navotas partikular ang Barangay 1313, Morning Breeze at Potrero.

Wala ding takdang oras at araw na tatama ang anim na oras na pagkawala ng tubig sa Fairview-Commonwealth par­tikular sa barangay San Bar­tolome, Bagong Silangan, Batasan Hills, Payatas at Holy Spirit gayundin sa North Caloocan sa barangay 176 at 183 kasama din ang Quirino-Roosevelt sa barangay 156, 157 at 167, Apolinio Samson, Ba­tasan, Bahay Toro, Ba­lingasa, Balong Bato, Dama­yan, Del Monte, Katipunan, Mariblo, Paltok, Paraiso, San Antonio, Sangandaan, Sto. Niño Talipapa at Veterans.

Anim na oras ding walang tubig sa Malabon-Navotas par­tikular sa Acacia at Bagong Barrio, Monumento at Potrero gayundin sa South Caloocan sa Longos at NBBS.

Upang hindi gaanong mara­nasan ang pagkasayang ng tubig, patuloy naman ang sina­sagawang regular system ad­justments sa mga pipe distri­bution network.

Nagtalaga na rin ang May­nilad ng 28 water tankers na naka-instala sa may limang sta­tionary water tanks, binuhay ang apat na balon o deep­wells kaya’t mula dito ay nakatipid mula sa pagkasayang ang may 113 MLD (million liters) sa isang araw mula pa noong buwan ng Peb­rero sa ilalim ng pinatinding leak repair program ng kum­panya.

Nakiusap din ang Maynilad waters sa mga water clients nito na gamitin ang tubig sa mas mapapakinabangang bagay at huwag sayangin tulad na lamang ng matinding paggamit ng tubig sa paghuhugas ng sasakyan. Mas mainam anilang humanap din ng paraan ang mga tao kung paano makaka­tipid sa paggamit ng tubig sa kani-kanilang tahanan.

Habang patuloy anila ang pagbaba ng water level sa Angat Dam ay patuloy na maka­raranas ang mga tao ng patuloy na pagbaba ng suplay dahil hindi sapat ang mga pag-uulan nitong mga nakaraang araw para tumaas ang water level sa Angat dam.

ANGAT

ANGAT DAM

APOLINIO SAMSON

BAGONG SILANGAN

HOLY SPIRIT

MAYNILAD

SHY

TUBIG

WATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with