20 PNP senior officers pasado sa 10-storey physical fitness test

MANILA, Philippines - Dalawampung (20 ) senior officers ng Philippine National Police (PNP), kabilang ang isang babaeng heneral ang nakapasa sa 10-storey Ascension test na bahagi ng rekisitos upang mag­ka­mit ang mga ito ng pro­mosyon.

Ito’y alinsunod sa ma­higpit na direktiba ni PNP Chief Director General Jesus Verzosa na isa­ilalim sa 10-storey As­cencion test ang mga heneral at maging ang mga Colonels na kabi­lang sa mga contenders sa key position.

Nagsimula ang natu­rang 10 storey Physical Fitness Test noong Hulyo 6 na isinagawa sa Atlanta Tower sa Greenhills, San Juan City sa ilalim ng mga fitness instructors mula sa Directorate for Human Resource and Doctrine Development at PNP Health Service.

Nalagpasan ni Police Security and Protection Group (PSPG) Director P/Chief Supt. Lina Sar­miento ang pagsu­sulit.

Kabilang sa mga pu­masa sina Director Jai­me Milla, Chief Supt. Son­ny David at Chief Supt. Arnold Revilla.

Ang mga opisyal na nagnanais na maging Director ng Integrated Police Operations Office ay kailangang maka­akyat sa 10 palapag na gusali sa loob ng 2 mi­nuto at 45 segundo.

Dalawang minuto at 30 segundo naman pa­ra sa provincial at city directors; dalawang mi­nuto at 15 segundo sa mga commander ng pub­lic safety management forces at municipal at city chiefs of police. (Joy Cantos/With train­ees Mary Ann Chua/ Mary Joy Mondero) 

Show comments